dzme1530.ph

National News

DOJ, ibinasura ang isinampang kaso ni FPRRD laban kina dating DILG Sec. Abalos at PNP Chief Marbil kaugnay ng pag-aresto kay Quiboloy

Loading

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang malicious mischief at domicile complaints na inihain ni dating Pangulo at KOJC Property Administrator Rodrigo Duterte laban kay dating Interior Sec. Benhur Abalos at sa iba pang mga opisyal. Sa 14-pahinang resolusyon, dinismis ng DOJ ang dalawang counts ng malicious mischief na isinampa laban kina Abalos, PNP Chief […]

DOJ, ibinasura ang isinampang kaso ni FPRRD laban kina dating DILG Sec. Abalos at PNP Chief Marbil kaugnay ng pag-aresto kay Quiboloy Read More »

Cebu Gov. Gwen Garcia, pinagpapaliwanag ng Ombudsman sa hindi nito pagtalima sa suspension order

Loading

Inatasan ng Office of the Ombudsman si Cebu Governor Gwen Garcia na ipaliwanag ang kabiguan nitong sumunod sa ipinataw sa kanyang suspension order. Pinagpapaliwanag din ni Ombudsman Samuel Martires ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung bakit hindi pa nito naipatutupad ang suspensyon na dapat ay “immediately executory.” Sa Communication na may

Cebu Gov. Gwen Garcia, pinagpapaliwanag ng Ombudsman sa hindi nito pagtalima sa suspension order Read More »

Nasa limang law firms, tumutulong sa House prosecution para sa impeachment ni VP Sara

Loading

Hindi bababa sa limang law firms ang tutulong sa House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa isa sa prosecutors na si San Juan Rep. Yzabel Zamora, nagpulong sila kahapon para talakayin ang mga paghahanda para sa trial, kabilang na ang paglalatag ng articles of impeachment sa Senate impeachment court

Nasa limang law firms, tumutulong sa House prosecution para sa impeachment ni VP Sara Read More »

House prosecutors, ilalatag ang articles of impeachment laban kay VP Sara sa Senado sa June 2

Loading

Magtutungo sa Senado ang lahat ng 19 miyembro ng House prosecution panel sa June 2 para basahin ang pitong charges sa ilalim ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay San Juan City Rep. Yzabel Zamora, miyembro ng House panel, ito ay bilang pagtalima sa liham ni Senate President Francis Escudero.

House prosecutors, ilalatag ang articles of impeachment laban kay VP Sara sa Senado sa June 2 Read More »

June 6, 2025, idineklarang regular holiday ng Malakanyang para sa Eid’l Adha

Loading

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang June 6, 2025, bilang regular holiday sa buong bansa para sa paggunita ng Eid’l Adha o The Feast of Sacrifice. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proclamation no. 911 noong May 21, kasunod ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos. Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang

June 6, 2025, idineklarang regular holiday ng Malakanyang para sa Eid’l Adha Read More »

DOH, hinikayat na maging maagap sa muling pagtaas ng COVID-19

Loading

Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Health (DOH) na maging maagap at handa sa harap ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas sa Southeast Asia. Ayon kay Gatchalian, ang sitwasyon sa rehiyon ay dapat magsilbing babala upang hindi tayo maging kampante. Kailangan aniyang makakuha agad ang DOH ng

DOH, hinikayat na maging maagap sa muling pagtaas ng COVID-19 Read More »

Imbestigasyon sa PrimeWater, inaasahang masisimulan sa pagbabalik sesyon

Loading

Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo ay masisimulan na ng Senado ang pagdinig tungkol sa mga isyu sa serbisyo ng PrimeWater. Una nang naghain ang senadora ng resolusyon para mabusisi ang mga reklamo tungkol sa operasyon ng private water concessionaires. Ayon kay Hontiveros, umaasa siyang bago tuluyang magsara ang

Imbestigasyon sa PrimeWater, inaasahang masisimulan sa pagbabalik sesyon Read More »

Ilang cabinet secretaries ni PBBM, agad na tumugon sa courtesy resignation call

Loading

Agad na tumugon ang ilang cabinet members ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. hinggil sa panawagang courtesy resignation nito sa lahat ng kaniyang mga gabinete, kasunod ng naging resulta ng 2025 midterm elections. Narito ang mga kalihim na nakapaghain na ng kanilang resignation: DOTr Sec. Vince Dizon DSWD Sec. Rex Gatchalian DILG Sec. Jonvic Remulla

Ilang cabinet secretaries ni PBBM, agad na tumugon sa courtesy resignation call Read More »

EcoWaste Coalition, hinimok ang mga nanalong kandidato na huwag gumamit ng tarpaulins sa pagpapasalamat

Loading

Nanawagan ang zero-waste advocates na EcoWaste Coalition sa mga nanalong kandidato sa nagdaang May 12 elections na huwag gumamit ng tarpaulins para pasalamatan ang kanilang supporters. Ginawa ng grupo ang panawagan matapos ma-obserbahan ang mga itinapong plastic tarpaulins matapos ang eleksyon. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang mga basurang nakolekta sa Metro Manila dulot

EcoWaste Coalition, hinimok ang mga nanalong kandidato na huwag gumamit ng tarpaulins sa pagpapasalamat Read More »

Comelec, planong i-donate sa public schools ang 8k Starlink units na ginamit sa Halalan 2025

Loading

Nasa 8,000 units ng satellite network na Starlink na ginamit sa katatapos lamang na midterm elections ang inaasahang ido-donate sa public schools. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang I-One Resource Inc., na distributor na ginamit para sa transmission ng election results ang magdo-donate ng Starlink devices, subalit tutulong sa pag-facilitate ang poll body.

Comelec, planong i-donate sa public schools ang 8k Starlink units na ginamit sa Halalan 2025 Read More »