dzme1530.ph

.2-TRILLION PESO PROPOSED 2027 NATIONAL BUDGET, ITINURN OVER NA NG DBM SA KAMARA

Loading

ISINUMITE na ng Department of Budget and Management (DBM) ang proposed 7.2-trillion peso national budget para sa taong 2027 sa House of Representatives.
 
Ayon kay DBM Secretary Kim Robert De Leon, ang panukalang budget para sa susunod na taon ay mas mataas ng 407 billion pesos kumpara sa 6.8-trillion peso budget ngayong 2026.
 
Ang proposed 2027 national budget ay katumbas ng 21.7% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.
 
Ipinaliwanag ni De Leon na ang pagtaas ng panukalang pondo ay bunsod ng mandatory obligations na anya ay nasa 316 billion pesos.
 
Kabilang dito ang mas mataas na national tax allotment para sa local government units; ika-apat na tranche ng salary adjustments para sa civilian government employees sa ilalim ng Executive Order No. 64;
 
Gayundin ang salary adjustments para sa military and uniformed personnel, at iba pang umiiral na fiscal obligations.
 
Bukod sa mandatory spending, sinabi ni De Leon na prayoridad ng proposed budget ang investments sa infrastructure, education, health, food security, at social protection.

About The Author