dzme1530.ph

PROVISIONAL UNDERSTANDING NG PILIPINAS AT CHINA SA RESUPPLY MISSION SA AYUNGIN SHOAL, PINABUBUSISI SA SENADO

Loading

NAIS ni Senador Risa Hontiveros na magsagawa ang Senado ng imbestigasyon kaugnay sa provisional understanding sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng China kaugnay sa resupply mission sa Ayungin Shoal sa gitna ng patuloy na Chinese aggression sa West Philippine Sea.
 
Sa kanyang Senate Resolution 589, sinabi ni Hontiveros na ang tanong lang niya ay kung gumagana na ang kasunduan.
 
Iginiit ng senador na kung layun ng kasunduan na maiwasan ang gulo at maprotektahan ang mga sundalo, bakit patuloy silang sinasaktan habang ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.
 
Dapat anyang mabusisi ng Senado kung ano ang pinagkasunduan at kung nagbebenepisyo dito ang Pilipinas.
 
Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na layun ng deal na maiwasan ang miscalculation sa panahon ng Philippine missions sa BRP Sierra Madre at hindi kinakailangang humingi pa ng permiso ang Armed Forces of the Philippines sa China.
 
Gayunman, sa panig ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, sinabi niyang hindi nag-eexist ang kasunduan.
 
Iginiit ni Hontiveros na hindi maaaring sinasabi ng DFA na may kasunduan subalit hindi alam ng DND dahil sila ang mga ahensya na responsable sa foreign relations at national defense.
 
Kailangan anyang maging malinaw sa dalawang ahensya ang mga usapin may kinalaman sa West Philippine Sea.

About The Author