dzme1530.ph

National News

BOC, mahigpit na ipatutupad ang rice import ban para sa proteksyon ng lokal na magsasaka

Loading

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigpit na pagpapatupad ng 60-araw na suspensyon sa rice importation na ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang proteksyon sa mga lokal na magsasaka laban sa murang angkat na bigas. Ayon kay Commissioner Ariel Nepomuceno, walang lusot ang smuggling sa bansa. Pinaigting na aniya ng BOC ang seguridad […]

BOC, mahigpit na ipatutupad ang rice import ban para sa proteksyon ng lokal na magsasaka Read More »

TESDA at Manila Hotel, nagsanib-puwersa para palakasin ang turismo

Loading

Pormal nang nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng TESDA at Manila Hotel para sa kauna-unahang Enterprise-Based Education & Training (EBET) program sa sektor ng turismo, alinsunod sa EBET Law (RA 12063) na binanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA. Layunin ng programa na bigyan ang mga Pilipino ng napapanahon at de-kalidad

TESDA at Manila Hotel, nagsanib-puwersa para palakasin ang turismo Read More »

Food poverty sa Pilipinas, tumaas sa 43%; 11.3M pamilya hirap sa sapat na pagkain

Loading

Tumaas sa 43% ang food poverty sa Pilipinas mula Abril hanggang Hulyo 2025, ayon sa pinakabagong datos ng OCTA Research. Katumbas ito ng tinatayang 11.3 milyong pamilya na hirap makakuha ng sapat at masustansiyang pagkain. Batay sa July 2025 Tugon ng Masa survey, mas mataas ito ng walong puntos kumpara sa 35% noong Abril. Bagama’t

Food poverty sa Pilipinas, tumaas sa 43%; 11.3M pamilya hirap sa sapat na pagkain Read More »

Bilang ng mga estudyanteng hirap magbasa, bumagsak sa 1.8K mula sa mahigit 51K –DepEd

Loading

Bumaba ang bilang ng mga estudyanteng hirap magbasa, ayon sa Department of Education (DepEd), dahil sa kanilang bagong learning initiatives. Ayon sa DepEd, mula sa 51,537 ay bumagsak sa 1,871 ang bilang ng 3rd-grade students na itinuring na “low-emerging readers” sa lahat ng rehiyon sa bansa. Sa tulong ito ng summer literacy drives, gaya ng

Bilang ng mga estudyanteng hirap magbasa, bumagsak sa 1.8K mula sa mahigit 51K –DepEd Read More »

KWF hinimok ang mga magulang na ituro sa mga anak ang Filipino at katutubong wika

Loading

Nanawagan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga magulang na hikayatin ang kanilang mga anak na gumamit ng wikang Filipino at iba pang katutubong wika. Sa gitna ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, sinabi ni newly appointed KWF Commissioner Atty. Marites Barrios-Taran na mahalagang mabigyan ng espasyo sa araw-araw na komunikasyon ang

KWF hinimok ang mga magulang na ituro sa mga anak ang Filipino at katutubong wika Read More »

NYC sa SK: Magpatupad ng mga programa higit pa sa sports

Loading

Nanawagan si National Youth Commission (NYC) Chairperson at Usec. Joseph Francisco Ortega sa mga Sangguniang Kabataan (SK) na maglunsad ng mga programang higit pa sa sports upang maabot ang mas maraming kabataan. Ayon kay Ortega, bagamat masaya ang paligang pang-isports activity tulad ng basketball, dapat isama rin sa mga inisyatiba ang mga proyektong makapagbibigay ng

NYC sa SK: Magpatupad ng mga programa higit pa sa sports Read More »

Pangulong Marcos, hindi tutulan ang Cha-cha na naglalayong linawin ang mga probisyon sa Konstitusyon –Palasyo

Loading

Hindi tututulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagang amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-con). Ito, ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, basta maisasara nito ang loopholes sa mga probisyon na nakasaad sa Saligang Batas. Ginawa ni Castro ang pahayag matapos manawagan si Deputy Speaker Ronaldo Puno ng

Pangulong Marcos, hindi tutulan ang Cha-cha na naglalayong linawin ang mga probisyon sa Konstitusyon –Palasyo Read More »

Tumataas na kaso ng leptospirosis, pinasusuri sa Senado

Loading

Nais ni Sen. Camille Villar na magsagawa ang Senado ng pagbusisi sa pagtugon ng Department of Health at iba pang ahensya sa tumataas na kaso ng leptospirosis. Sa kanyang Senate Resolution, nais matukoy ni Villar ang mga paraang isinasagawa ng DOH at iba pang ahensya upang mapababa ang kaso ng pagkamatay dahil sa naturang sakit.

Tumataas na kaso ng leptospirosis, pinasusuri sa Senado Read More »

Problema sa kakulangan ng classrooms, posibleng abutin pa ng limang administrasyon

Loading

Posibleng abutin ng limang administrasyon bago tuluyang maresolba ang problema sa kakulangan ng silid-aralan kung hindi bibilisan ng gobyerno ang kilos nito. Ito ang babala ni Senate Committee on Basic Education Chairman Bam Aquino makaraang tukuyin na umaabot sa 165,000 ang kakulangan ng classrooms sa bansa. Sinabi ni Aquino na dahil sa kakulangan ng silid-aralan,

Problema sa kakulangan ng classrooms, posibleng abutin pa ng limang administrasyon Read More »

Dumaraming insidente ng karahasan sa mga paaralan, ikinaalarma

Loading

Naalarma na si Senate Committee on Basic Education Vice Chairperson Raffy Tulfo sa dumaraming bilang ng insidente ng karahasan sa mga paaralan na banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at school personnel. Tinukoy ni Tulfo ang insidente noong Agosto 7 sa Santa Rosa Integrated School sa Nueva Ecija kung saan isang 18-anyos na dating

Dumaraming insidente ng karahasan sa mga paaralan, ikinaalarma Read More »