![]()
“More than courteous” o higit pa sa pagiging magalang ang ginawang pagsalubong sa defense attaché ng China sa meeting ng Southeast Asian Defense Ministers sa Cebu.
Binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat ay mayroong pagkakapantay-pantay sa ranggo at katayuan, kaya sa palagay niya ay higit na mas magalang kaysa sa inaasahan ang pag-welcome ng isang undersecretary sa isang attaché.
Ginawa ng kalihim ang paliwanag sa press briefing sa sidelines ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus.
Personal kasing sinalubong, kinamayan, at nagpalitrato si Teodoro sa defense ministers at mga kinatawan ng ibang bansa nang pumasok sila sa venue kahapon, maliban kay Chinese Defense Attaché to the Philippines Senior Captain Yang Lei.
Magugunitang pinagbawalan ng Beijing si Teodoro na pumasok sa kanilang mga teritoryo, matapos itong akusahan na anti-China.
