![]()
KINATIGAN ng Sandiganbayan Fifth Division ang kahilingan ng prosekusyon na amyendahan ang charge sheet upang alisin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga kasong plunder at graft bunsod ng umano’y flood control kickback scheme.
Kinumpirma ito ni Presiding Justice Geraldine Econg, kasabay ng pagsasabing, ire-release na si Bonoan dahil binawi na ng Fifth Division ang mga isinampang kaso laban sa kanya.
Ni-recall din ng anti-graft court ang warrant of arrest at hold departure order laban sa dating DPWH chief.
Hiniling ng prosekusyon na alisin si Bonoan sa charge sheet upang maging state witness sa iba pang flood control cases.
Una nang tumestigo si Bonoan sa malversation at graft cases ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., kung saan ibinunyag nito ang tinawag na leadership fund, na isang ad-hoc allocation para sa priority projects ng mga miyembro ng Senado.
