dzme1530.ph

PISO, SUMADSAD SA PANIBAGONG HISTORIC LOW SA 62 PESOS AND 35 CENTAVOS PER DOLLAR SA INTRADAY TRADING

Loading

Patuloy ang paghina ng piso matapos ang panibagong historic low laban sa dolyar sa intraday trading, kaninang umaga.
 
Hanggang kaninang alas-diyes ng umaga, sumadsad ang local currency sa intraday low na ₱62.400 per dollar.
 
Nalampasan nito ang record low na ₱62.26 per dollar nang magsara ang palitan noong Biyernes, Aug. 28, matapos magbukas sa ₱62.25 per dollar.
 
Ang mahinang performance ng piso ay sa gitna ng mga panibagong alalahanin sa Middle East, pati na sa policy rate hike ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan.
 
Noong Huwebes ay nagpasya ang BSP na itaas ang policy rates sa ikatlong sunod na meeting, dahilan para umakyat sa benchmark policy rate sa 5.0%.

About The Author