![]()
Naghahanda na ang singer na si Angeline Quinto para sa kanyang world tour sa susunod na taon.
Dadalhin ni Angeline ang kanyang 15th anniversary concert na “Aquinse” sa iba’t ibang siyudad at bansa mula sa Australia hanggang sa America.
Sinabi ng Kapamilya singer na “dream come true” ang naturang anniversary tour.
Binigyang-diin ni Angeline na bawat lugar sa tour ay mayroong unique flavor and experience para sa fans at mga kapwa Pilipino na kanilang mae-enjoy.
Ayon sa Daybreak Entertainment Media, kumpirmado na ang four-city Australia at New Zealand stops.
Magkakaroon din ng shows sa mga pangunahing lungsod sa North America habang nakatakdang ianunsyo ang iba pang mga petsa at bansa.
