dzme1530.ph

TULONG NG PAMAHALAAN, NAIABOT NA SA PAMILYA NG PINOY NA NASAKTAN SA MALAGIM NA SALPUKAN NG TREN SA SPAIN

Loading

Ibinahagi ng Philippine Embassy sa Spain na natanggap na ng pamilya ng Filipino tourist na nasangkot sa malagim na salpukan ng tren sa Toledo ang tulong mula sa konsulado.

Sinabi ng embahada na sa ngayon ay wala nang iba pang Pinoy na humingi ng tulong sa kanila.

Gayunman, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Spanish authorities hinggil sa naturang malagim na trahedya na ikinasawi ng hindi bababa sa animnapu’t walo katao.

Sa naunang statement mula sa embahada, isang Filipino national ang nagtamo ng minor injuries makaraang sumalpok ang high-speed train sa isang nakatigil na tren sa Spain.

About The Author