![]()
Dadalahin ni Bruno Mars sa Pilipinas ang “The Romantic Tour” para sa two-night concert sa Mayo ng susunod na taon.
Inanunsyo ng Live Nation Philippines sa Facebook na magpe-perform ang Filipino-American Grammy-winning singer sa Philippine Arena sa Bulacan sa May 15 and 16, 2027, kasama si Anderson .Paak as DJ Pee .Wee at isang special performance ng Silk Sonic.
Sa naturang venue huling nag-perform ang singer-songwriter noong 2023 para rin sa isang two-night show.
Nakilala si Bruno Mars sa kanyang mga awitin, gaya ng “Just the Way You Are,” “When I Was Your Man,” “That’s What I Like,” “Talking to the Moon,” at marami pang iba.
