![]()
HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na gamitin ang kanilang kaalaman na natutunan sa paaralan, hindi lamang para sa kanilang sariling tagumpay, kundi para mai-angat ang iba at mag-ambag para sa kaunlaran ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa 58th Commencement Exercise sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, ipinaalala ni Marcos sa mga nagtapos na ang halaga ng edukasyon ay higit pa sa nakamit nilang diploma o sertipiko.
Binigyang-diin din ng Pangulo na ang pagtatapos sa higher education o training ay higit sa academic credential.
Sa naturang event, iginawad ng pamantasan kay Pang. Marcos ang honoris causa, ang highest honorary degree na ibinibigay ng PLM-Doctors of Laws.
