dzme1530.ph

FACE-TO-FACE CLASSES, SINUSPINDE SA ILANG LUGAR DAHIL SA BANTA NG MASAMANG PANAHON DALA NG HABAGAT

Loading

Sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan ang klase sa mga paaralan na kanilang nasasakupan, ngayong Biyernes, Aug. 28, bunsod ng masamang lagay ng panahon, dulot ng habagat.
 
Sa Metro Manila, kinansela ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City, San Juan, Las Piñas, Taguig, at Valenzuela.
 
Suspendido rin ang face-to-face classes sa private at public schools sa Pateros simula sa child development centers hanggang senior high school, gayundin sa Pasig City, simula kindergarten hanggang senior high school, kabilang ang daycare at alternative learning system.
 
Wala ring in-person classes sa Bataan at Nueva Ecija, maging sa ilang bahagi ng Benguet, Bulacan, Pangasinan, Pampanga, at Rizal.

About The Author