![]()
Pinalawig ng Bureau of Customs (BOC) ang validity ng importer accreditation at binawasan ang overall accreditation fees, para palakasin ang tuloy-tuloy na pagpasok ng mga produkto sa Pilipinas.
Sa ilalim ng Customs Administrative Order (CAO), mula isang taon ay in-extend ang importer accreditation validity sa tatlong taon.
Ibinaba rin ang accreditation fee sa 5,000 pesos para sa three-year period, mula sa 2,000 pesos kada taon o 6,000 pesos para sa tatlong taon.
Inoobliga pa rin ang importers na magsumite ng annual reportorial compliance sa loob ng 30 days ng kanilang accreditation anniversary.
