![]()
Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Agosto kumpara sa sinundan nilang buwan.
Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority Chief Claire Dennis Mapa, naitala sa 2.77 million ang unemployed Filipinos noong Agosto na mababa sa 3.14 million jobless noong July.
Katumbas ito ng 5.3 percent na unemployment rate noong August na mababa sa 6 percent noong July.
Naitala naman sa 49.79 million ang mga Pinoy na may trabaho noong August na mataas kumpara sa 49.21 million noong July.
Katumbas ito ng 94.7 percent na employment rate noong August.
