![]()
Umaabot na sa ₱10.96 billion ang naipamahaging tulong ng gobyerno sa mga magsasaka na apektado ng El Niño phenomenon, ayon sa tala ng Office of Civil Defense.
Ayon kay OCD Spokesperson Junie Castillo, bahagi ito ng hakbangin ng pamahalaan na maprotektahan ang food security sa gitna ng tagtuyot.
Kabilang sa mga assistance na naibigay ay crop insurance, production assistance at patubig.
Sinabi ni Castillo na ang Department of Agriculture ang pangunahing ahensyang nangangasiwa sa food security efforts sa ilalim ng National Action Plan on El Niño.
Una nang idineklara ang state of calamity sa 106 cities at municipalities sa bansa.
