![]()
Ipinaaresto na ng korte si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste dahil sa paglabag sa Public Service Act.
Naglabas na ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court Branch 235 laban sa kongresista at nilagdaan ni Presiding Judge Ricardo Moldez II.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y paglabag sa Section 25 ng Commonwealth Act No. 146 na inamyendahan ng Republic Act 11659 o Public Service Act.
Itinakda naman sa 72,000 ang piyansa sa kongresista.
Kinumpirma naman ni NBI Director Melvin Matibag na may kopya na sila ng warrant of arrest laban kay Leviste.
Gayunman, sa impormasyon ng NBI, sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa pa si Leviste kasama ang inang si Senador Loren Legarda.
