dzme1530.ph

Bilang ng Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef, nakaaalarma, ayon sa NSC

Inamin ng National Security Council na nakaaalarma ang bilang ng Chinese militia vessels na tila naka-park sa Julian Felipe Reef na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Sa nakuhanang video, magkakatabi at dikit-dikit ang mahigit 135 bangka ng China na tila ginawang bakod sa karagatan.

Naniniwala si NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ang militia vessels ay parang skeletal crew ng China sa lugar, para ipakita sa mundo na pag-aari nila ang bahagi ng karagatan.

Hindi naman aniya ito tinatanggap ng Pilipinas, kaya patuloy din ang pagde-deploy ng bansa ng assets para ipakita sa China na pinapalagan natin ang ginagawa nilang pananatili sa ating Exclusive Economic Zone.

Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea, sa kabila ng mga nararanasang pangha-harass ng China. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author