dzme1530.ph

Barangay Chairman, patay makaraang ratratin ng bala ang barangay hall sa Pampanga

Patay ang isang barangay chairman makaraang ratratin ng bala ang barangay hall sa Arayat, Pampanga.

Nakuhanan sa CCTV ang paghinto ng sasakyan sa harapan ng Lacquios Barangay Hall, at ang pagpapaulan ng bala ng isang suspek sa entrance ng bulwagan habang isa pa ang walang habas na namaril sa ere.

Nasawi sa naturang insidente ang punong barangay na kinilalang si Mel Lumbang na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakaupo si Lumbang nang pagbabarilin gamit ang M16 rifle.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa politika ang paglikida sa barangay chairman dahil may mga usap-usapan na plano umano nitong tumakbong vice mayor sa halalan sa susunod na taon.

About The Author