dzme1530.ph

BAGONG LIDERATO NG SENADO, HINIMOK NA MULING BUKSAN ANG IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS

Loading

UMAPELA si Senador Imee Marcos kay Senate President Alan Peter Cayetano na buksan na muli ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sinasabing anomalya sa flood control projects.
 
Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang social media post kung saan niya tinag si Senador Pia Cayetano na bagong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee.
 
Iginiit ni Marcos na dapat tanggalin na ang takip sa flood control corruption at illabas na ang katotohanan.
 
Nais ni Marcos na ipatawag ang 18 Marines, si dating Cong. Zaldy Co at ang mga Bersamin.
 
Matatandaang ang 18 dating Marines ang nagsabi na naghatid umano ng mga male-maletang pera kay Pangulong Bongbong Marcos at kay dating House Speaker Martin Romualdez mula kay dating Cong. Zaldy Co.

About The Author