dzme1530.ph

Ayuda para sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro hindi kukulangin —DBM

May sapat na pondo ang gobyerno para sa ayuda sa mga naapektuhan pa rin ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman na sa kasalukuyan ay may pondo pa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang mga lokal na pamahalaan na apektado ng oil spill para sa ayuda sa mga apektadong mangingisda at kanilang mga pamilya katulad ng cash for work program.

Kung sakali man aniya na kapusin  ang pondo, maaring gamitin ng DBM ang unprogrammed funds na aabot sa P588-B  na kasama sa 2023 National Budget.

Pero hanggang sa ngayon ayon kay Sec. Pangandaman wala pa silang natatanggap na hiling mula sa LGU o anumang ahensya ng pamahalaan.

Kinakailangan din aniya ng certification mula sa Department of Finance para mai-release ang karagdagang revenues.

About The Author