Magsisimulang maramdaman ang amihan o ang malamig na hanging iniuugnay sa Kapaskuhan sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar sa ikalawang linggo ng Disyembre.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Ana Clauren-Jorda ngayong weekend inaasahang muling iihip ang Amihan nang medyo mas malakas at magtutuloy-tuloy hanggang sa susunod na linggo, at magdadala ng mas malamig na panahon.
Idinagdag ni Jorda na isang low pressure area (LPA) ang maaari ring mabuo sa susunod na linggo subalit sa ngayon aniya ay mababa ang tsansa nito na maging bagyo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera