dzme1530.ph

PANUKALANG DOBLEHIN ANG BUWANANG SOCIAL PENSION NG MAHIHIRAP NA SENIOR CITIZENS, ISINUSULONG SA SENADO

Loading

Isinusulong ni Senador JV Ejercito ng panukalang naglalayong doblehin ang buwanang social pension para sa mahihirap na senior citizen mula isang libong piso patungong dalawang libong piso.

Ito ay upang mabigyan sila ng higit na pinansyal na ginhawa sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga gastusin at bilihin.

Layunin ng Senate Bill No. 2522 ni Ejercito na amyendahan ang Republic Act No. 11916, na nagtakda sa buwanang social pension upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, maintenance medicines, serbisyong pangkalusugan, at iba pang bayarin.

Kasabay ng patuloy na pagdami ng senior citizens — na ayon sa 2024 Census of Population ng Philippine Statistics Authority nasa isa sa bawat sampung Pilipino — igiit ni Ejercito na dapat tiyakin ng pamahalaan na nakasasabay ang social protection system sa nagbabagong pangangailangan ng mga nakatatanda.

Sa ilalim ng SB 2522, palalawakin ang depinisyon ng isang indigent senior citizen upang maisama ang mga nakatatandang Pilipinong walang pension o permanenteng pinagkukunan ng kita, gayundin ang mga tumatanggap ng pension, compensation, o financial assistance na hindi lalagpas sa sampung libong piso kada buwan.

About The Author