dzme1530.ph

MAHAHALAGANG TULAY SA KYIV, INATAKE NG RUSSIAN DRONE KASUNOD NG SURPRISE VISIT NG GERMAN CHANCELLOR

Loading

Inatake ng Russian drones ang mga pangunahing tulay sa Kyiv sa loob ng apat na sunod na araw, habang pinaiigting ng Moscow ang kanilang pag-atake sa mahahalagang imprastraktura sa kabisera ng Ukraine.

Dalawa katao ang nasugatan nang pasabugan ang Northern Bridge sa Ukraine, Linggo ng umaga, sa ikalawang sunod na araw ng pag-atake habang nauna nang ilang ulit na inatake ang Southern Bridge.

Ang pinakabagong pag-atake ay kasunod ng surprise visit ni German Chancellor Friedrich Merz sa Kyiv, upang ipakita ang suporta laban sa nagpapatuloy na full-scale invasion ng Russia.

Nagbabala ang Russian military na paiigtingin pa nila ang pag-atake sa Kyiv at iba pang Ukrainian regions, matapos targetin ang dalawang tulay na ginagamit sa pag-transfer ng Ukrainian troops.

About The Author