dzme1530.ph

GLENDA DELA CRUZ, EXCITED NANG GAMITIN ANG MGA NATUTUNAN SA HARVARD BUSINESS SCHOOL SA FILIPINO-OWNED BRILLIANT SKIN ESSENTIALS

Loading

Excited na si Glenda Dela Cruz, Chief Executive Officer ng Filipino-owned Brilliant Skin Essentials, na gamitin ang mga natutunan niya mula sa anim na araw na intensive program sa Harvard Business School.
 
Natapos kamakailan ng CEO na kilala rin bilang Miss Glenda ang Strategic Marketing for Driving Growth program, kung saan hinarap niya ang 19 business cases, kasama ang entrepreneur at leader mula sa iba’t ibang bansa, industriya, at background.
 
Sa Facebook post, sinabi ni Miss Glenda na hindi lang siya uuwi na may certificate, kundi mayroon ding mas malalim na perspective sa business, leadership, and growth.
 
And finally, no more sleepless night na dahil tapos na aniya ang cases at puyat, at panahon na para magpahinga, mag-recharge, at iuwi ang lahat ng kanyang mga natutunan.
 
Inilarawan niya ang pagkumpleto sa programa bilang mahalagang personal milestone, lalo na’t hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at matagal na niyang pangarap na makapag-aral sa Harvard Business School.

About The Author