![]()
IMINUNGKAHI ni Senator-Judge Raffy Tulfo na iadmonish ng Impeachment Court ang kanilang tagapagsalita na si Atty. Reginald Tongol dahil sa ilang mga impormasyong inilabas nito sa media.
Sa pagsisimula ng Day 33 ng impeachment trial, agad na tumayo si Tulfo at hiniling kay Presiding Officer Francis Chiz Escudero na isyuhan ng warning si Tongol.
Ito ay matapos sabihin sa media na posibleng maglalabas na ng verdict ang korte bago ang December 16.
Sinabi naman ni Escudero na ang lahat ng lumabas na posibleng petsa ng paglalabas ng verdict ay idinepende sa takbo ng pagdinig.
Hindi anya ito stand ng Impeachment Court kaya’t sinabi ni Tulfo na fake news ang sinabi ni Tongol.
