dzme1530.ph

TENSYON SA PAGITAN NG GRUPO NG MGA GURO AT MGA PULIS, SUMIKLAB SA BISPERAS NG WORLD TEACHER’S DAY

Loading

Sumiklab ang tensyon sa pagitan ng grupo ng mga guro at government security personnel, sa gitna ng kilos protesta sa labas ng gates ng Malacañang, sa bisperas ng World Teachers’ Day, kahapon.

Hinarangan at itinulak ng mga tauhan mula sa Presidential Security Command ang mga raliyista na nagtangkang magsagawa ng demonstrasyon sa harap ng isang paaralan sa loob ng Malacañang Complex.

Mariing kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang tinawag nilang marahas na dispersal ng mga pulis sa mga raliyista sa labas ng Malacañang.

Ayon sa grupo, labing-anim na mga guro at estudyante ang nasaktan kasunod ng dispersal.

Nasira rin umano ang ilang kagamitan ng mga demonstrador habang dalawang megaphones ang kinumpiska ng mga awtoridad.

About The Author