![]()
Hinamon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang Marcos administration na ipakita ang suporta sa educators.
Sa pamamagitan ito ng pagtataas sa kanilang sweldo at Personnel Economic Relief Allowance (PERA) sa 5,000 mula sa kasalukuyang 2,000 pesos.
Sa inilunsad na kilos protesta kahapon, ipinanawagan ng mga guro at mga manggagawa mula sa sektor ng edukasyon ang entry-level salary na 50,000 pesos, mas mataas na allowances, at mas malaking budget para sa edukasyon.
Humihingi rin ang ACT Philippines ng pananagutan mula sa administrasyon kaugnay sa umano’y korapsyon at sa inilarawan nila bilang patuloy na underfunding sa education and social services.
