![]()
Hindi naman lalahok sa transport strike ang Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP).
Ipinaliwanag ni ALTODAP National President Boy Vargas na hindi sila sasali sa tigil-pasada dahil unang-una, aniya, ay may sariling interes ang grupong Manibela.
Sinabi ni Vargas na kung titingnan, makatuwiran ba ang pa-i-strike, lalo na’t ang unang-unang mahihirapan ay ang mga mananakay.
Idinagdag ng transport leader na kung sa panig ng gobyerno ang Manibela ay dapat makipag-usap sila nang maayos dahil gasgas na gasgas na, aniya, ang strike.
Samantala, inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigit 6,000 personnel ang kanilang idineploy para sa dalawang araw na transport strike.
