dzme1530.ph

ALOKASYON NG TUBIG SA MERO MANILA, POSIBLENG BAWASAN NGAYONG OKTUBRE SA HARAP NG BANTA NG EL NIÑO

Loading

Posibleng bawasan ang water supply allocation sa Metro Manila ngayong Oktubre, sa harap ng paghahanda ng bansa sa posibleng epekto ng El Niño, ayon sa National Water Resources Board o NWRB.

Sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na ang alokasyon para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay maaaring ibaba sa 44 cubic meters per second ngayong buwan.

Mas mababa sa karaniwang 50 to 53 cubic meters per second.

Nananatili ang Angat Dam bilang main source ng tubig para sa Metro Manila, na ang supply nito ay nakadepende sa ulan.

Inihayag ni David na posibleng maging limitado ang water sources sa panahon ng El Niño, dahilan para i-maximize ng gobyerno ang alternative resources.

About The Author