dzme1530.ph

ALAMIN ANG EPEKTO SA KALUSUGAN NG LABIS NA PAGGAMIT NG GAMOT SA UBO NA FLUIMUCIL

Loading

Nagpaalala ang mga eksperto sa kalusugan tungkol sa patuloy na mali at labis na paggamit ng Fluimucil, isang mucolytic drug na karaniwang ginagamit upang palambutin at paalisin ang makapal na plema sa baga.
 
Ayon sa mga doktor, may mga pasyente na palaging umiinom ng gamot kahit walang reseta, at may ilan pa na umaabuso sa dosage sa paniniwalang mas mabilis na gagaling ang ubo o sipon.
 
Iginiit ng mga eksperto na ang labis na paggamit nito ay hindi nakakatulong at maaari pang magdulot ng masamang epekto sa katawan.
 
Ipinaliwanag ng mga health professional na ang Fluimucil ay hindi pangkaraniwang gamot sa simpleng ubo o sipon, kundi para lamang sa mga kondisyong may makapal na plema na kailangang palambutin para mas madaling mailabas.
 
Babala rin ng mga eksperto na ang mali o sobrang paggamit nito ay maaaring magdulot ng pagsusuka, pagsakit ng tiyan, at iba pang discomfort.
 
Sa ilang kaso, maaari ring lumala ang sintomas kapag hindi angkop ang paggamit ng gamot.
 
Hinikayat ng mga awtoridad sa kalusugan ang publiko na huwag mag-self-medicate at laging kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang gamot, upang maiwasan ang peligrong epekto ng mali at labis na gamit ng mga medikasyon.

About The Author