![]()
Naitala ng Department of Education (DepEd) ang 26 million enrollees para sa School Year 2026-2027 at inaasahang madaragdagan pa ito sa pagsisimula ng klase ngayong Lunes, June 8.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Jocelyn Andaya, as of June 5, halos 26 milyong mag-aaral na ang nagpatala.
Aniya, magpapatuloy ang pagtanggap ng mga estudyante sa mga paaralan hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Idinagdag ni Andaya na batay sa kanilang pagtaya ay aabot sa 26.4 million ang enrollees ngayong school year, kagaya rin noong nakaraang taon.
