![]()
Nagpahayag ng pagkabahala ang Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon o SENADO, sa kalagayan ng mga rank and file employees ng mataas na kapulungan na naiipit sa patuloy na bangayan ng mga senador.
Nagpahayag din sila ng pagkadismaya sa naging pahayag ni Senador Erwin Tulfo nang tawagin ang ilan sa mga empleyado ng Office of Sgt. at Arms at Public Relations and Information Bureau na pulpol, bobo at bingi makaraang tumulong sa ginawang pagdinig ng kampo nina Senador Alan Peter Cayetano noong Huwebes.
Nagbanta pa anila ang senador na may matatanggal sa trabaho dahil sa pagganap nila sa tungkulin.
Iginiit ng organisasyon na ang mga empleyado ay nananatiling tapat sa kanilang tungkulin sa kabila ng umiiral na kalituhan dulot ng isyu sa leadership.
Hindi anila dapat madamay ang mga kawani sa mga usaping pampulitika na hindi nila direktang kinabibilangan.
