dzme1530.ph

REPORT NA NAMATAAN SI SEN. DELA ROSA NA LULAN NG YATE, BINA-VALIDATE PA NG NBI

Loading

Bina-validate pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang report na namataang nakasakay sa yate patungo sa hindi tinukoy na probinsya si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
 
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na posibleng intensyon ng report na iligaw ang law enforcers na inatasang umaresto sa puganteng senador.
 
Si Dela Rosa ay wanted sa International Criminal Court (ICC), matapos tukuyin bilang co-perpetrator sa kasong crimes against humanity kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, bunsod ng madugong war on drugs.
 
Huling nakita ang senador palabas ng Senado lulan ng sasakyan noong madaling araw ng May 14, ilang oras matapos ang shooting incident sa mataas na kapulungan.

About The Author