![]()
Kinumpirma ni Rommel Padilla na bibida ang kanyang anak na si Daniel Padilla sa “Bad Boy 4” kasama ang rumored girlfriend nito na si Kaila Estrada.
Ginawa ni Rommel ang pahayag sa advance screening ng “Bad Boy 3” kagabi, sa isang mall sa Quezon City.
Sa question-and-answer portion matapos ang screening, tinanong si Robin Padilla kung nais pa rin nitong ma-associate bilang “Bad Boy” na nagpasikat sa kanyang career.
Ayon kay Robin, ipamamana na niya ang “Bad Boy 4” sa mas batang artista.
Ni-release ang original “Bad Boy” noong 1990 at sinundan ng “Bad Boy 2” noong 1992 habang ipinalabas ang “Bad Boy 3” makalipas ang mahigit tatlong dekada.
