![]()
Muling aarangkada ngayong araw ang panibagong pagdinig sa mga anomalya sa flood control projects.
Hindi naman katulad noong araw ng Huwebes, nasa session hall ngayon ang secretariat ng Senate Blue Ribbon Committee at nangangasiwa sa pagsasaayos ng pagdinig.
Ang kumite ay pinamumunuan ni Senador Erwin Tulfo subalit sa ating impormasyon magsisilbing presiding officer ngayong araw na ito ang vice chairman ng kumite na si Senador Kiko Pangilinan.
Ito ay bilang pagpapakita ng delicadeza makaraang mabanggit si Tulfo ng 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co na nabigyan din ng maleta ng pera.
Nabatid din na batay sa sulat na ipinadala ni House Secretary General Cheloy Garafil, hindi dadalo sa pagdinig ang ilang mga inimbitahang kongresista bilang pagsunod sa interparliamentary courtesy.
Sa mga oras na ito, nasa session hall na si NBI Director Melvin Matibag.
