dzme1530.ph

MRT-3, MAY LIBRENG SAKAY SA MGA PILING ORAS SA INDEPENDENCE DAY

Loading

May alok na libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa mga piling oras sa susunod na Biyernes, June 12, Independence Day.
 
Sa advisory, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na libre ang sakay sa lahat ng istasyon ng MRT-3, simula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.
 
Ayon sa DOTr-MRT 3 management, ang kanilang hakbang ay bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
 
Batay sa Proclamation No. 1006 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang June 12 ay regular holiday sa buong bansa.

About The Author