dzme1530.ph

Azkals, pinadapa ang Nepal sa friendly match sa pagbabalik ni Michael Weiss bilang head coach

Maganda ang naging pag welcome ng Philippine Men’s Football Team kay Michael Weiss bilang Head Coach ng Azkals, makaraang padapain ang Nepal sa score na 1-0, sa FIFA International Friendly Match sa Rizal Memorial Stadium, sa Maynila, kagabi.

Nanatiling scoreless ang magkabilang koponan sa halftime hanggang sa maipasok ni Jarvey Gayoso ang una at nag-iisang goal ng Azkals sa 49th minute.

Bukod sa first game ni Weiss para sa Azkals mula nang huli niyang hawakan ang koponan noong 2014, balik uniform din si Stephan Shrock para sa national team mula sa retirement noong Enero.

Makakaharap din ng Pilipinas sa friendlies ang Chinese Taipei sa Lunes sa kaparehong venue. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author