dzme1530.ph

GSIS, nag-donate ng office equipment at computers sa PHLPOST

Nag-donate ang Government Service Insurance System ng office equipment at computers sa Philippine Postal Corporation (PHLPOST), upang mapagaan ang epekto ng sunog sa makasaysayang Manila Central Post Office Building.

Pinasalamatan ng PHLPOST ang GSIS sa pagsasabing malaking tulong ang kanilang donasyon para sa mga apektadong empleyado, lalo na sa nagpapatuloy nilang recovery efforts.

Ang donasyon ng GSIS ay kinabibilangan ng 45 steel tables, 45 chairs, 67 desktop computers, at 7 laptops.

Samantala, tiniyak naman ng PHLPOST sa publiko na business as usual sa lahat ng kanilang mga sangay. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author