Ipinag-utos ni Dept. of National Defense sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagbibigay ng real-time updates sa sitwasyon ng Bulkang Mayon at Taal.
Ito’y makaraang bisitahin ni DND Sec. Gilbert Teodoro ang ahensya upang makita ang mga paghahanda at aksyon na ginagawa kaugnay ng pag-aalboroto ng mga bulkan.
Kasama ng kalihim sa pagpupulong sina Civil Defense Deputy Administrator for Administration Asec. Hernando Caraig Jr. at Office of Civil Defense Operations Service Director Cesar Idio.
Siniguro naman ng NDRRMC na patuloy ang kanilang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno hindi lamang sa sitwasyon ng dalawang bulkan, kundi maging sa epekto ng bagyong Chedeng. —sa panulat ni Airiam Sancho