dzme1530.ph

Dagdag-singil sa Toll ng NLEX, epektibo sa June 15, Huwebes!

Aprubado na ng Toll Regulatory Board ang panibagong dagdag-singil sa mga motoristang dumaraan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa NLEX epektibo sa June 15 ang dagdag-singil sa toll kung saan karagdagang P7 ang ipatutupad sa open system habang P0.36 centavos per kilometer sa mga closed system.

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang Class 1 vehicles ay magbabayad ng karagdagang P7.00, P17.00 sa Class 2 vehicles at P19.00 para sa Class 3 vehicles.

Ang mga babiyahe sa dulo ng NLEX sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City ay sisingilin ng dagdag na P33.00 para sa Class 1, P81.00 sa Class 2 at P98.00 sa Class 3 vehicles.

About The Author