dzme1530.ph

P33-M tulong sa probinsya ng Albay, ipinagkaloob ni Romualdez at Tingog Partylist sa lalawigan

Sanib-pwersa sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Partylist sa pag- facilitate ng P33-M tulong sa probinsya ng Albay na binubulabog ng bulkang Mayon.

Personal na nagkaloob si Romualdez ng tig P1-M tulong sa 3 distrito ng Albay.

Ang kalahating milyon ay in-cash habang ang nalalabing P500,000 ay in-kind.

Deretso ang tulong sa tanggapan nina Reps. Edcel Lagman ng 1st Dist., Joey Salceda ng 2nd District at Fernando Cabredo ng 3rd District.

Bukod pa dito, kino-ordinate na rin ni Romualdez at Tingog Partylist kay Department of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian ang tig-P10-M tulong sa bawat distrito ng Albay.

Ang tulong mula sa DSWD ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program. —sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author