dzme1530.ph

Paghahanda sa SONA ni PBBM, ikinakasa na ng PNP

Binabalangkas na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ng PNP Chief na mahigpit nilang igagalang ang karapatang pantao lalong lalo na mga magpoprotesta o magrarally pero prayoridad pa rin ang ng mga pulis ang seguridad.

Isang briefing na rin ang isinagawa ng PNP para sa mga pulis patungkol sa pagpapairal ng maximum tolerance.

Sinabi rin ni Acorda, na papayagan ang mga magpo-protesta sa mga designated area at kung saan sila pahintulutan ng mga alkalde.

Pero kung magpupumilit ang mga raliyista na lumabas o lumagpas sa itinalagang lugar ay saka na aaksyon ang mga pulis para pigilan ito.

About The Author