dzme1530.ph

Julia Barretto, pinalitan si Bea Alonzo sa pelikula na kasama si Alden Richards

Pinalitan ni Julia Barretto si Bea Alonzo sa upcoming local adaptation ng South Korean movie na “A Moment to Remember,” na pagbibidahan din ni Alden Richards.

Ayon kay Viva Inc. President and CEO Vincent del Rosario III, na siyang producer ng pelikula, kinailangang magpahinga ni Bea kaya si Julia ang kinuha nilang kapalit.

Sinabi ni del Rosario na sisimulan ang production ng pelikula na may working title na “Special Memory” at idi-direk ni Nuel Naval sa katapusan ng Hulyo o Agosto.

Unang inanunsyo ang pagtatambal nina Bea at Alden hanggang sa umatras ang aktres noong Mayo dahil umano sa schedule.

Si Julia ay kasalukuyang in a relationship kay Gerald Anderson na dati namang boyfriend ni Bea. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author