dzme1530.ph

Samu’t-saring agricultural products nakumpiska ng BPI sa NAIA T1

Iba’t-ibang uri ng agricultural products ang kinumpiska ng Bureau of Plant Industry dala ng pasaherong Chinese at Vietnamese sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA).

Kasunod ito nang pagkakaharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs examiners matapos itong dumaan sa X-Ray machine.

Kabilang sa mga kinumpiska ng BPI ang 2kgs na lychee, 6kgs na cherry dala ng isang pasahero mula Jinjang.

Kumpiskado din ang 1kgs ng bamboo shoots 1kgs peach at 1.2 kgs beans mula jinjang.

Ganun din ang 2.5kgs avocado 0 4kgs na tea leaves dala ng isang pasahero mula Vietnam.

Kumpiskado din ang 8 kgs na plums 2.5 kgs peaches 2.5 kgs lychee, 1.5kgs na apple at .5klgs na Orange mula china.

Ayon sa BPI ang mga nakumpiskang produkto ay walang mga kaukulang permit kung saan dadalhin ito sa kanilang pasilidad para sa tamang deposition. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author