dzme1530.ph

Nuggets, pinadapa ang Heat sa Game 1 ng NBA Finals

Pinadapa ng Denver Nuggets ang Miami Heat sa score na 104-93 sa Game 1 ng NBA Finals, kung saan nakapagtala ng panibagong triple double si Nikola Jokic.

Umiskor ang 2-time Most Valuable Player ng 27 points na may 10 rebounds at 14 assists para pangunahan ang Nuggets na tatangkaing kunin ang ikalawang panalo ng koponan sa Best-of Seven series sa Game 2 na gaganapin sa kanilang balwarte.

Nag-ambag din si Jamal Murray ng 26 points, 10 assists, at 6 rebounds para sa Nuggets.

Samantala, pinangunahan naman ni Bam Adebayo ang Miami sa pamamagitan ng kanyang 26 points habang kumamada sina Gabe Vincent at Haywood Highsmith ng 19 points at 18 points.

Ang Heat star naman na si Jimmy Butler ay nalimitahan lamang ang kanyang puntos sa 13.

About The Author