dzme1530.ph

Rollback sa presyo ng LPG, sumalubong sa mga consumer sa unang araw ng Hunyo

Nagpatupad ang Petron Corp. at Solane ng rollback sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) products, ngayong unang araw ng Hunyo.

Nagtapyas ang Petron ng P6.20 sa kada kilo ng kanilang household LPG.

Binawasan din ng naturang oil company ang kanilang AutoLPG ng P3.47 kada litro.

Samantala, tinapyasan din ng Solane ang kanilang LPG ng P6.18 sentimos kada kilo, simula kaninang ala-6 ng umaga.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, ang pagbaba ng presyo ay repleksyon ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Hunyo.

About The Author