dzme1530.ph

BIR, nalagpasan ang kanilang target collection para sa buwan ng Abril ng 11.67%

Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang Tax Collection Target sa buwan ng Abril.

Ayon sa BIR, naka-kolekta sila ng P336.020-B noong ika-apat na buwan, na mas mataas ng 11.67% o P35.114-B mula sa collection goal na P300.9-B para sa naturang panahon.

Lumobo ng 40.24% o P96.416-B ang nakolekta noong abril kumpara sa P239.6-B na koleksyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mula Enero hanggang Abril ay umabot na sa P841.179-B ang nakolekta ng BIR, mas mataas ng 13.31% o P98.809-B na tax collections sa kaparehong panahon noong 2022.

About The Author