dzme1530.ph

Saudi Arabia, magbubukas ng 1M trabaho para sa Filipino skilled workers

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers na 1-M trabaho ang bubuksan ng Saudi Arabia para sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay DMW sec. Susan Ople, magkakaroon ng Special Hiring Program para sa mga Filipino skilled worker.

Aniya, darating sa bansa sa Hunyo ang Labor officials ng Saudi kaugnay ng gagawing Special Hiring Program.

Una nang inihayag ni Ople ang posibilidad na magkaroon ng Joint Special Hiring Program dahil sa isinusulong ng Saudi Arabia na palakasin ang kanilang turismo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author