dzme1530.ph

PBBM, nag-deklara ng special non-working day sa Pampanga sa June 15

Idineklara ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang special non-working day sa lalawigan ng Pampanga sa June 15, 2023, araw ng Huwebes.

Ito ay para sa paggunita sa ika-32 Anibersaryo ng pagputok ng Bulkang Pinatubo.

Sa proclamation no. 234, nakasaad na ito ay bilang pagtugon sa kahilingan ng Office of the Governor ng Pampanga na mag-deklara ng special non-working day sa June 15.

Mababatid na pumutok ang Bulkang Pinatubo noong June 15, 1991, at kumitil ito sa buhay ng maraming indibidwal at sumira sa maraming komunidad dahil sa lahar.

Samantala, idineklara rin ng Pangulo ang special non-working day sa Barlig Mountain Province sa June 16 para sa 57th Founding Anniversary ng Bayan, at special non-working day sa Bayugan City, Agusan del Sur sa June 21 para sa 16th Charter Anniversary. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News 

About The Author