dzme1530.ph

Veteran Journalist Joe Torres, nanumpa na bilang bagong Director General ng PIA

Nanumpa na ang beteranong mamamahayag at author na si Jose “Joe” Torres bilang bagong director general ng Philippine Information Agency.

Pinangunahan ni Presidential Communications Office sec. Cheloy Garafil ang Oath Taking ni Torres sa PIA Office.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Garafil kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagbibigay ng oportunidad na magamit ang kanyang husay para sa bansa at sa taumbayan.

Nangako rin ito ng pagsasagawa ng mga dayalogo sa regional offices ng PIA para sa mas maayos na pagse-serbisyo sa publiko.

Samantala, tiniyak naman ni Garafil ang pakikipagtulungan ng PCO sa PIA para sa mga proyekto.

Mababatid na pinalitan ni Torres bilang PIA Chief ang nagbitiw na si Mon Cualoping III. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author